Tiyaking epektibo ang Trimester calendar!

Sa bawat bagong sistema at balitang inihahayag ng pamahalaan hindi maiiwasan na magkaroon ng maling pangkahulugan ang mga mamamayan. Ito ng dahilan kung bakit mayroon tayong mga dyurno – naghahayag, at kinaklaro ang mga maling balita at sa panukalang rebisyon ng kurikulum, ito ang kanilang misyon, ang ipalaganap ang tamang impormasyon.

Sa larangan ng edukasyon mahalaga ang maayos na sistema, ito’y upang mabigyan din ng tamang eskedyul ng pahinga ang bawat mag-aaral at guro. Ito ang bisyon ng Department of Education (DepEd) sa panukalang Trimestral System- isang rebisyon sa kurikulum. Isang daan tungo sa pagbabago na siyang sinang-ayonan naman ng Assistant Principal ng isang pampublikong paaralan na si Agnes Y. De Guzman ED.D.