reBISYON sa Edukasyon
Sistemang Trimestral tugon sa Learning Gaps
Isinulat ni MATEMATIKA | LATHALAIN

Edukasyon ang ating pundasyon tungo sa magandang kinabukasan ngunit papaano kung ang agwat tungo dito ay mas lalong lumalaki kalaunan?
Ayon sa panayam sa isang Assistant Principal na si Agnes Y. De Guzman ED.D., tumungtong ng 50 porsyento ang naitalang learning loss ng kabataang Pilipino sa ibang asignatura, ito’y isa sa mga naging resulta ng pandemya. Suliraning nais solusyonan ng panukalang kurikulum na Trimestral System. Isang rebisyon sa sistema na may bisyong baguhin at tugonan ang lumalalang antas ng edukasyon sa bansa.
Isang halimbawa ay si Juan, hindi niya tototong pangalan, siya ay isang malalaro at kabilang sa mga Student-At-Risk of Dropping Out (SARDO) ito’y epekto ng dagok ng pandemya sa kaniya at ng hirap sa pagbalanse ng pag-aaral niya bukod pa rito isa ring siyang miyembro ng Academic Recovery and Accessible Learning Program (ARAL program) na naglalayun ding siya ay isalba mula sa bangin ng illiteracy. Bagama’t ang programa ay higit na nakatulong sa kaniya nahihirapan pa rin siyang makahabol sa takbo ng sistema lalo’t lalo nang siya ay isa ring atleta. Sitwasyong sumasalamin sa kalagayan ng karaniwang mag-aaral sa bansa.
EduAKSYON ng Pamahalaan
Sa kasagsagan ng pandemya kabilang sa naantala ang kalidad ng edukasyon. Hindi lang ito nagdadagdag sa kalbaryo sa mga estudyante kundi pati na ng mga guro. Ito ang layunin ng Trimestral System – ang paunlarin ang pangkalahatang kapakanan.
Ang naturang sistema ay naglalayong hatiin sa tatlong parte ang taong panuruan kung saaan nagkakaroon ng regular na mga pahinga ang guro at estudyantesa katapusan ng bawat semestre.
Ito’y hindi lamang simpleng aksyon at pangmadalaiang solusyon kundi nagsisilbing isang matibay na tulay upang matawid ng mga estudyante ang daan tungo sa kalidad na pagsasanay. Hindi lang sistemang gagawin upang makahabol kundi isang pangmatagalang sagot sa matagal nang problema ng larangang edukasyon.
Kapakanan ng Kabataan
Sa pag-aaral hindi lang lebel ng pagpasok sa klase ang basehan ng kalidad na edukasyon, kailangan ding ikonsidera ang pahinga at mentalidad ng mga bata. Kung sa kasalukuyang kurikulum ay bilang lamang ang pahinga ng guro’t mag-aaral, sa Trimestral System ay nagkakaroon na ng dalawang linggong break sa katapusan ng bawat semester na isang paraan din upang makahabol ang mga mag-aaral ang kanilang mga kulang.
Isang halimbawa ay kung si Juan ay hindi nakapagpasa ng proyekto dahil sa kaniyang mga laro maaari niya itong ipasa sakasagsagan ng break na iyon. Ang panahong ito ay magbibigay daan sa mga guro upang mabusisis ng maayos at matututkan kung sinong mag-aaral pa ang higit na nangangailangan.
“It’s a responsibility to re-evaluate both learner and teachers,” pagbigay-diin pa ni De Guzman.
Tulong ng Sistema
Sa pagtaguyod ng sistemang ito hindi lang mag-aaral ang makabebenepisyo kundi pati na ang mga tagapagturo. Isang kurikulum kung saan binigyang pnsin ang kalagayan ng bawat guro at kabataan.
Para sa batang katulad ni Juan, ang bisyon na ito ay higit na makatutulong upang mabawi at maisalba ang kanyang utak mula sa bingit ng kamangmangan. Hindi lang siya matutulongang i-balanse ang buhay atleta at pagigigng estudyante kundi nagigigng paraan din ito upang siya ay makahabol sa kanyang leksyon.
“Not just about rearranging days,” wika pa ni De Guzman.
Ito’y isang patunay lamang na ang sistema ay hindi simpleng pagbabago lang ng kalendaryo kundi isang matibay na hakbang upang solusyunan ang suliranin sa edukasyon. Isang bisyon na hindi lamang irerebisa ang kurikulum kundi rebisyon ng buong sistema upang makapagbigay ng bagong pag-asa sa mga mag-aaral na naiiwanan na at nanganganib na mahulog sa lumalaking bangin ng agwat sa pagkatuto.
