
WAKASAN ANG DISKRIMINASYON
Isinulat ni ARALING PANLIPUNAN | ISPORTS KOLUM
Sa paglipas ng mga taon, umuusbong ang presensya ng mga Fil-Am at iba pang lahi ng mga manlalaro na hindi tunay na Pilipino ng pambato ng Pilipinas para sa football. Hindi natin maipagkailang ang husay at karanasan na kanilang taglay, malaki ang kanilang naging papel sa paglago ng pagbabago para saating sistema, lalo na sa mga kompetisyon tulad ng SEA Games.
Subalit, isang mainit na usapin ukol sa identidad na hanggang saan nga ba tunay na Pilipino ang isang manlalaro kung halos wala siyang karanasang lumaki sa bansang Pilipinas. Habang pinapahalagahan ng ilan ang talento at kakayahan, may mga kritiko na naniniwala na ang pambansang representasyon ay dapat sumasalamin sa kultura, puso, at karanasan ng pagiging Pilipino.
Ako ay lubos na nanghinayang matapos malamang may mga pagkakataon ng diskriminasyon para sa ating mga pambato na atleta, kung saan ang mga lokal na manlalaro ay tila nawawalan ng pantay na oportunidad dahil sa pag-prioritize ng mga manlalarong may dugong banyaga. Ang ganitong sitwasyon ay nagdudulot ng pag-aalinlangan sa mga kabataang Pilipino na nangangarap na magsuot ng pambansang jersey, at maaaring magdulot ng pagkakahiwalay sa pagitan ng mga manlalarong lokal at banyaga sa loob ng koponan.
Ako ay lubos na nanghinayang matapos malamang may mga pagkakataon ng diskriminasyon para sa ating mga pambato na atleta. Hindi man nila taglay ang dugong makata ng Pinoy, ngunit nararapat lamang na hindi ito magiging hadlang para sa kanila na mairepresenta ang ating bansa. Dahil sapat na ang determinasyon at dedikasyon ng isang manlalaro sa kaniyang kailangan patunayan.
Ayun pa nga sa Philippine Football Coach na si Mcpherson Garrath James walang rason upang wakasan ang pangarap ng isang atleta na iatguyod ang bandila ng bayan sa mataas na antas ng kompetisyon kung abot naman ng bata ang standard para dito “There is no issue to that, as long as they can qualify. Those who could qualify could already represent the Philippines,” wika niya.
Hindi rin maikakaila ang positibong epekto ng pagkakaroon ng mga Fil-Am at iba pang diaspora players. Ang kanilang presensya ay nakakapag-angat sa antas ng laro, nagbibigay ng inspirasyon sa mga lokal na atleta, at nagdadala ng karanasan na maaaring makapagsanay sa susunod na henerasyon.
Ang hamon para sa Philippine football ay kung paano pagsasamahin ang talento ng diaspora at ang pagpapaunlad ng lokal na manlalaro nang hindi nawawala ang diwa ng pambansang identidad at pagkakaisa sa loob ng koponan.
Ang tunay na sukatan ng tagumpay ay hindi lamang sa dami ng panalo o medalya, kundi sa kung paano napapahalagahan ang kultura, puso, at potensyal ng bawat Pilipinong manlalaro—lokal man o diaspora.

