Ed.D: Hindi kailangan iwasan ang stressor, kailangan lang harapin

Isinulat ni AGHAM | BALITA

HARAPIN HUWAG IWASAN. Sa pagharap sa mga problemang mental or stress kinakailangan na harapin ng bawat kabataan ang kung ano man ang nagdudulot ng kanilang stress, bilang mabisang paraan upang labanan ito. Kuha ni INGLES


PAHAPYAW NA DETALYE:

  • Ayon pa kay De Guzman ang panukalang trimester school calendar ay maaaring makatulong sa pagbawas ng mental fatigue dahil magkakaroon ng regular na academic breaks at mas balanseng pacing ng aralin.
  • Ipinaliwanag ni Agnes Y. De Guzman,na hindi maiiwasan ang pressure sa pag-aaral.
  • Para kay De Guzman, ang reporma sa school calendar ay hindi lamang academic adjustment kundi bahagi ng mas malawak na pagsisikap na suportahan ang mental health ng learners sa gitna ng patuloy na academic demands.

SURALLAH, South Cotabato — Binigyang diin ng isang isang Doctors of Education, na mas mainam na solusyon upang labanan ang tumataas na kaso ng mental health problems sa mga mag-aaral dahil sa tambak na gawaing pampaaralan ay ang harapin ang mga bagay na nagdudulot ng kanilang mga stress at hindi iwasan. 

Ipinaliwanag ni Agnes Y. De Guzman, sa isinagawang press briefing kaugnay ng 2026 Regional Schools Press Conference(RSPC), na hindi maiiwasan ang pressure sa pag-aaral, ngunit kailangan itong harapin at magkaroon ng sistemang sumusuporta sa mas maayos na pagharap dito.

“Actually all you need to do talaga is to find your stressor, , hindi kailangan iwasan kailangan lang harapin,” pagdidiin niya.

Ayon pa kay De Guzman ang panukalang trimester school calendar ay maaaring makatulong sa pagbawas ng mental fatigue dahil magkakaroon ng regular na academic breaks at mas balanseng pacing ng aralin.

“This trisemester will give you at least 2 weeks breaks in between the semesters,” wika ni De Guzman 

Dagdag pa niya, mahalaga ring maunawaan na iba-iba ang paraan ng bawat tao sa pagharap sa stress.

Ibinahagi din niya ang sariling karanasan kung saan ayon sa kaniya kahit ang matatanda  o may gulang ay nangangailangan din ng pagbabago ng environment upang makapag-reset at makapag-focus muli.

“Ako as an adult, i just need to see a new environment to cope up with the stress i have,” saad niya.

Para kay De Guzman, ang reporma sa school calendar ay hindi lamang academic adjustment kundi bahagi ng mas malawak na pagsisikap na suportahan ang mental health ng learners sa gitna ng patuloy na academic demands.