

BATTLE OF THE UNDERDOGS
Pilipinas dinurog ang Myanmar;
Aabante kontra Thailand sa group c
ARALING PANLIPUNAN | Patnugot sa Isports

Dinomina ng Philippines Football Team ang sagupaan matapos magpasiklab ng side foot pass, toe punt, curl at clearance naging daan upang mapayuko ang Myanmar ballers, 2-0, sa kasagsagan ng 33rd SEA GAMES 2025 na idinaos sa Chiang Mai Stadium, Thailand nitong ika-8 ng Disyembre.



ARALING PANLIPUNAN | Patnugot sa Isports
Sa paglipas ng mga taon, umuusbong ang presensya ng mga Fil-Am at iba pang lahi ng mga manlalaro na hindi tunay na Pilipino ng pambato ng Pilipinas para sa football. Hindi natin maipagkailang ang husay at karanasan na kanilang taglay, malaki ang kanilang naging papel sa paglago ng pagbabago para saating sistema, lalo na sa mga kompetisyon tulad ng SEA Games.

ARALING PANLIPUNAN | Patnugot sa Isports
Isang patutungayaw na nagiging balakid para sa Pilipinas ang paghihimasik ng Myanmar pagdating sa larangan ng palakasan para sa Football. Hindi lang ito simpleng panalo, ito ay paglaya. Matapos ang anim na taon at tatlong sunod-sunod na edisyon mula taong 2019, 2021 at 2023 ng SEA Games na laging sawi, sa wakas ay nahanap na ng Pilipinas ang susi para paitimin ang liwanag ng Myanmar.