PAGGUHO NG SUMPA
Pilipinas, winakasan ang anim na taong dominasyon ng Myanmar
Isinulat ni ARALING PANLIPUNAN | ISPORTS LATHALAIN

Isang patutungayaw na nagiging balakid para sa Pilipinas ang paghihimasik ng Myanmar pagdating sa larangan ng palakasan para sa Football. Hindi lang ito simpleng panalo, ito ay paglaya. Matapos ang anim na taon at tatlong sunod-sunod na edisyon mula taong 2019, 2021 at 2023 ng SEA Games na laging sawi, sa wakas ay nahanap na ng Pilipinas ang susi para paitimin ang liwanag ng Myanmar.
Isang patutungayaw na nagiging balakid para sa Pilipinas ang paghihimasik ng Myanmar pagdating sa larangan ng palakasan para sa Football. Hindi lang ito simpleng panalo, ito ay paglaya. Matapos ang anim na taon at tatlong sunod-sunod na edisyon mula taong 2019, 2021 at 2023 ng SEA Games na laging sawi, sa wakas ay nahanap na ng Pilipinas ang susi para paitimin ang liwanag ng Myanmar.
Sinasabing ang panahon ang pinakamahusay na guro, ngunit para sa atletang Pilipino, ang panahon ay naging isang malupit na kalaban.
Mula noong 2019, ang krusyal na paghaharap laban sa Myanmar ay naging isang sirang plaka ng kabiguan. Tatlong SEA Games ang dumaan 2019 sa Maynila, 2021 sa Vietnam, at 2023 sa Cambodia, kung saan ang pangarap ng bansa ay laging sumasabit sa matinik na depensa ng mga Burmese. Para tayong nakakulong sa isang laro ng habulan kung saan lagi tayong taya, lagi tayong huli, at laging sawi.
Sapagkat sa gabi ng 2025 SEA Games, tila ang tadhana ang napagod rin sa kaniyang sariling biro at tuluyang nakapa ng ating kababayan ang minimithing tagumpay.
Ang Pader na Gumuho
Sa loob ng anim na taon, ang Myanmar ang nagsilbing tinik sa lalamunan ng ating pambansang koponan. Sila ang pader na tila hindi kayang tibagin ng anumang lakas o diskarte. Matatandaang noong 2019, sa harap ng naghihiyawang mga kababayan sa sariling lupa, luha ang pumatak sa halip na ginto. Sinundan ito ng mga taon kung saan ang bawat pagtatangka ng Pilipinas ay sinasagot ng disiplinadong laro ng Myanmar.
Pero iba ang simoy ng hangin sa edisyong ito. Ang mga manlalarong dati ay yumuyuko sa pressure, ngayon ay tumatayo nang mas matangkad pa sa kanilang mga bantay. Ang takot na naging anino natin mula noong 2019 ay tuluyan nang nabulag ng liwanag ng ating determinasyon.
Higit pa sa isang panalo, hindi lang ito basta tatlong puntos sa standing. Sa bawat goal, block, at puntos na naitala sa 2025, tila binura nito ang bawat sakit ng nakaraan. Nakita natin ang isang koponang hindi na naglalaro para lamang makahabol, naglalaro sila para manguna. Ang puso na laging bukambibig ng Pinoy ay sa wakas ay may kasama nang utak at lamig ng ulo.
Hindi na tayo nagpadala sa pisikal na laro ng kalaban, tayo na ang nagdikta ng tempo. Ang Bagong kabanata ang tagumpay na ito ay patunay na ang sumpa ay gawa-gawa lamang ng isip na pagod na sa pagkatalo.
Ipinakita ng Pilipinas na ang pagtitiis ay may hangganan at ang pagsisikap ay may nakalaang korona. Ngayong gabi, ang Pilipinas ay hindi na ang underdog na laging biktima ng kasaysayan.
Tayo na ang bida sa sarili nating kwento. Tapos na ang anim na taon ng pag-aayuno. Ang hapag-kainan ng tagumpay ay atin namang pagsasaluhan. Maligayang tumungtung sa pagkawagi ang Pilipinas.

