BATTLE OF THE UNDERDOGS

Pilipinas dinurog ang Myanmar;
Aabante kontra Thailand sa group c

Isinulat ni ARALING PANLIPUNAN | ISPORTS MAIN

MULING PAGBANGON. Matapos ang anim na taong pagkatalo sa Myanmar, natuldokan na ito


PAHAPYAW NA DETALYE

  • Dinomina ng Philippines Football Team ang sagupaan matapos magpasiklab ng side foot pass, toe punt, curl at clearance
  • Sapagkat, ayaw pa rin tumigil ni Naging bentahe naman ni Demuynck ang masaklap na pagkabigo ni Moe Swe, midfielder ng Myanmar kickers matapos itong aksidenteng maglista ng iskor para sa Philippine cagers
  • Pumaimbulong ang matitikas na gameplay ng Philipines offenders sa pangunguna ni Monis

Dinomina ng Philippines Football Team ang sagupaan matapos magpasiklab ng side foot pass, toe punt, curl at clearance naging daan upang mapayuko ang Myanmar ballers, 2-0, sa kasagsagan ng 33rd SEA GAMES 2025 na idinaos sa Chiang Mai Stadium, Thailand nitong ika-8 ng Disyembre.

Umalagwa ng husto si Alex James Monis, forward nang magpakawala ng side toe punt upang makahablot ng puntos – rumesbak naman si Abang Banatao matapos ipamalas ang long ball
clearance habang solido naman ang suportang ibinahagi ni Dylan Demuynck, midfielder nang mag-ambag ito ng side foot pass sanhi upang lubusang mapadusa ang depensa ng kabilang panig.

Naging bentahe naman ni Demuynck ang masaklap na pagkabigo ni Moe Swe, midfielder ng Myanmar kickers matapos itong aksidenteng maglista ng iskor para sa Philippine cagers.

“It’s overwhelming knowing na pinaghirapan talaga ng team ito. I was happy na maganda yung naging performance, nakaka-proud,” pahayag ni Mcpherson Garrath James, Head Coach ng Philippine Football Team. “Hindi biro yung training na pinagdaanan namin, hindi biro yung pinagdaanan nila. As you can see, makikita niyo talaga yung unity ng team, talagang binantayan talaga namin yung mahihirap at magagaling na kalaban, prayers lang,” dagdag pa niya.

Sa pagtungutng ng 69:35 minutos inasinta ni John Lucero, goalkeeper nang umariba ang kaniyang kick off clearance high ball, sumegunda naman si defender Jamie Leddel sa isang header, hindi naman nagpahuli si Ryan Muens, midfielder matapos dagitin ang half-volley strike, ngunit mahusay na nadepensahan ni Hein Htet Soe, goal keeper ang pag-ataki nito.

Sapagkat, ayaw pa rin tumigil ni Naging bentahe naman ni Demuynck ang masaklap na pagkabigo ni Moe Swe, midfielder ng Myanmar kickers matapos itong aksidenteng maglista ng iskor para sa Philippine cagers, hindi naman nagpahuli si Ryan Muens, midfielder matapos dagitin ang half-volley strike, ngunit mahusay na nadepensahan ni Hein Htet Soe, goal keeper ang pag-ataki nito.

Sa kabilang dako, ayaw pa rin tumigil ni Banatao sa pagsalakay, sabay paghataw muli ng header pero bigo ito matapos masyadong mataas ang kaniyang pagbitaw sa bola.

Pumaimbulong ang matitikas na gameplay ng Philipines offenders sa pangunguna ni Monis madarama ang kanilang gigil na muling maka puntos upang palakihin ang agwat sa iskor, ngunit masyadong naging agresibo si Selwyn Mamon, forward sa pananalasa dahilan upang igawad siya ng isang yellow card.

” Actually we were shock with the performance of the Philippines they did a great job. He think of defences that somehow could stop them to goal, I think that’s the reason we have not protected our title,” wika ng Head Coach ng Myanmar na si Kurosaki Hisasht.

Sa gitna ng matinding init ng labanan pilit na bumabawi ang Myanmar strikers bumida si Oakkar Naing, winger sa paglusob ng kampo ng Philippine attackers umalalay naman si Win Thein, midfielder bitbit ang kaniyang keepy-uppy, ngunit hindi pa rin ito naging sapat upang maungusan ang pamumuno ng Philippine defenders.

Muling aarangkada sa pakikipagbakbakan ang Philippine Football Team kontra Indonesia sa group c sa papalapit na ika-8 ng Disyembre.