Daan sa Pagbabago

Pananaw ni Assistant Principal sa Trimestral System

Isinulat ni MATEMATIKA | LATHALAIN

Sa larangan ng edukasyon mahalaga ang maayos na sistema, ito’y upang mabigyan din ng tamang eskedyul ng pahinga ang bawat mag-aaral at guro. Ito ang bisyon ng Department of Education (DepEd) sa panukalang Trimestral System- isang rebisyon sa kurikulum. Isang daan tungo sa pagbabago na siyang sinang-ayonan naman ng Assistant Principal ng isang pampublikong paaralan na si Agnes Y. De Guzman ED.D.

Sa isang panayam sa kaniya sa Press Briefing sa Regional School Press Conference (RSPC) isinaad niya na ang bagong panukala ay makatutulong upang mabawasan ang patong-patong na trabaho ng mga guro mula pa noong panahon ng pandemya.

“We are checking 300 modules weekly noong pandemic and now wala pa rin kaming pahinga dahil kahit breaks ninyo ay nandito pa rin kami sa school,” bahagi pa ni De Guzman.

Isa itong dahilan kung bakit magandang balita para sa kaniya ang panukalang ito, dahil ito’y makatutulng din sa pagtiyak ng mga estudyante ay back on track bago mag move on sa isa pang semester at higit sa lahat kapakanan ng guro at mag-aaral.

Ibinahagi din niya na mayroon namang mga programa tulad ng Academic Recovery and Accessible Learning Program (ARAL Program) ang gobyerno ngunit ayun sa kaniya ay kaunti lamang ang nakabebenepisyo dito, ngunit ang panukalang kurikulum ay nakatutulong sa pangkalahatan.

“The new curriculum addresses the general,” saad pa niya.

Ang bawat obserbasyon at hinaing ng Assistant Principal ay nagsisilbing salamin ng karaniwang karanasan ng mga guro sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, mula sa patong-patong na trabaho hanggang sa kakulangan ng sapat na pahinga at suporta.

Sa kabuuan, ang panukalang Trimestral System ay hindi lamang simpleng pagbabago sa iskedyul. Ito ay isang hakbang tungo sa mas dekalidad, mas balanseng, at mas inklusibong sistema ng edukasyon na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga guro at estudyante, at magsilbing daan sa mas maayos na hinaharap para sa ating edukasyon.