Hakbang sa Epektibong Pamamahayag

Isinulat ni MATEMATIKA | LATHALAIN

Sa bawat bagong sistema at balitang inihahayag ng pamahalaan hindi maiiwasan na magkaroon ng maling pangkahulugan ang mga mamamayan. Ito ng dahilan kung bakit mayroon tayong mga dyurno – naghahayag, at kinaklaro ang mga maling balita at sa panukalang rebisyon ng kurikulum, ito ang kanilang misyon, ang ipalaganap ang tamang impormasyon.

Sa paglabas ng panibagong kurikulum na Trimestral System kadalasang pangamba at tanong na lumalabas sa bibig ng ating mga magulang.

Ang mga tanong na ito ang nais solusyunan ng ating mga dyurno, ngunit papaano nga ba ang tamang pag-uulat ng balitang ito?

Ibalita ang bago

Bilang dyurno, nararapat na iulat at ibahagi natin ang tamang impormasyon ukol sa isyu. Huwag nating hayaang mahulog sa haka-haka ang mamamayan.

Ang mga hakbang na ito ay magbibigay daan tungo sa impormadong kababayan.

“You have to inform the people regarding the new system,” wika pa ng Assistant Principal na si Agnes Y. De Guzman ED.D.

Iwasan ang Misinformation

Misyon ng bawat tagapagbalita ang ibahagi ang katotohanan at hindi simpleng pahayag lamang. Kailangang ipaalam sa mga tao kung ano ang nararapat at totoo, hindi lang upang maging impormado kundi upang maalis din ang pangambang dala nito.

Nararapat na siguradohin natin na hindi mahuhulog sa bangin ng fake news ang mamamayan.

Sa pamamaraang ito masisiguro nating hindi mabibigyan ng lamat ang panukalang sistema.

Amplify Diverse Voices

Sa malakas na boses ng opinyon, kadalasang hindi na ito maunawaan. Ito ang isa pang gawain ng bawat dyurno, ang iparirinig ang iba’t-ibang hiraing ng tao.

Kailangang ipaalam mo ang epekto ng bawat programa sa mamamayan sapagkat dito malalaman kung epektibo ang solusyon ng pamahalaan.

Ang dyurno ay may kakayahang palakasin ang mga boses, sa bawat artikulo na kanilang isinusulat nadirinig natin ang mga hinaing na kadalasang natatabunan ng opinyon.

Ito ang tungkulin ng bawat dyurno- ang bumuo ng impormadong komunindad at iparinig sa taong bayanang bawat hinaing. SIla ang mikropono ng tao.