AKADEMIKONG REPORMA

Trimester system, target lunasan ang academic burnout; reporma sa kalendaryo, solusyon sa 50% learning loss

Isinulat ni AGHAM | BALITA

REPORMA. Dahil sa pagbaba ng learning gap ng mga mag-aaral, isinusulong ng Kagawaran ng edukasyon ang panibagong sistema, ang Trimester bilang solusyon dito. Kuha ni INGLES


PAHAPYAW NA DETALYE:

  • Binigyang-diin ni Agnes Y. De Guzman Ed.D, na ang panukalang ito ay hindi lamang pagbabago ng petsa kundi isang estratehikong interbensyon para sa kalidad ng edukasyon at kapakanan ng mga guro at mag-aaral.
  • Ayon sa datos mula sa DepEd na ibinahagi ni DE Guzman, ang naging epekto ng pandemya ay nagresulta sa kalahating bahagi ng impormasyon na hindi lubos na naunawaan ng mga estudyante na umabot sa mahigit 50%.
  • Sa ilalim ng bagong sistema, mananatili ang 201 school days ngunit hahatiin ito sa tatlong yugto na may nakalaang pahinga o “break” sa bawat pagtatapos ng trimester. 

SURALLAH, South Cotabato — Inihayag ng isang Assistant Principal at Doctor of Education, ang suporta sa panukalang Trimester School Calendar ng Department of Education (DepEd) bilang estratehikong hakbang upang punan ang mahigit 50 porsiyentong learning loss dahil sa pandemya, ayon sa datos ng DepEd na ibinahagi ni De Guzman, at sugpuin ang lumalalang academic burnout sa mga guro at mag-aaral sa susunod na taong panuruan.

Binigyang-diin ni Agnes Y. De Guzman Ed.D, na ang panukalang ito ay hindi lamang pagbabago ng petsa kundi isang estratehikong interbensyon para sa kalidad ng edukasyon at kapakanan ng mga guro at mag-aaral.

“With this semester, it will allow more flexible learning,  accommodate learners’ needs and timely intervention, to address the learning gaps caused by the pandemic,” pahayag ni De Guzman.

KRISIS SA PAGKATUTO 

Ayon sa datos mula sa DepEd na ibinahagi ni DE Guzman, ang naging epekto ng pandemya ay nagresulta sa kalahating bahagi ng impormasyon na hindi lubos na naunawaan ng mga estudyante na umabot sa mahigit 50%.

Dahil sa kasalukuyang sistema, ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, kung saan nakikitaan ng kakulangan sa oras para sa malalimang talakayan, na nagbunsod sa re-evaluasyon ng akademikong kalendaryo.

“The pandemic highlighted the learning gap. This 50% learning loss has prompted the DepEd that there should be a re-evaluation of the academic calendar,” dagdag ni De Guzman.

TRIMESTER BILANG SOLUSYON 

Sa ilalim ng bagong sistema, mananatili ang 201 school days ngunit hahatiin ito sa tatlong yugto na may nakalaang pahinga o “break” sa bawat pagtatapos ng trimester. Layunin nitong maiwasan ang “burnout” at mabigyan ng sapat na panahon ang mga guro para sa mga makabagong paraan ng pagtuturo.

Binigyang-diin ni De Guzman na ang mas mahabang linggo para sa diskusyon ay makatutulong sa “retention” o pag-alala ng mga aralin. 

“This shift opens opportunities for innovative learning methods and allows timely intervention to accommodate learning needs,” saad niya.

HAMON AT PAGBABAGO 

Bagamat positibo ang layunin, binanggit ni De Guzman  na magkakaroon ng limitasyon sa mga extra-curricular activities gaya ng Palarong Pambansa, National Schools Press Conference (NSPC) at iba pa, upang bigyang-daan ang mas pokus na pag-aaral. 

Sa kabila nito, tiniyak ni DepEd Spokesperson Sonny Angara na sumailalim na sa konsultasyon ang mga stakeholders at walang kaakibat na gastusin ang nasabing transisyon.

Sa huli, nanawagan si De Guzman sa mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga opinyon at saloobin patungkol sa pagbabagong ito.